June 11, 2005
impluwensya ng isang kanta
sa sobrang hindi na maalis sa isip ko ang kantang kwarto.. nahikayat akong maglinis ng aking kwarto..
sabay naalala ko, wala nga pala akong kwarto..
ayun, eh di naglinis na lang ako ng aking study table..
nakita ko na naman ang mga papel ko noong nakaraang sem.. mula sa notes, quizzes, seatworks, assignments, xerox copy ng lectures (meron ding xerox copy ng leakage, at kopya ng assignment ng kaklase), scratch papers na imbis solutions ang laman eh 75% ata ay puro sulat ng kung ano anong pampalipas oras habang nageexam, major exams (may halos blangko, may pasado, may mataas din naman), bluebooks, permits, resibo (ng tuitiong sa taas eh malapit na akong matanong ng "saang exclusive school ka nag-aaral?", hanggang sa kopya ng mga lyrics ng kanta.. meron din akong nakitang pictures, merong last year pa, merong recent lang, meron ding hindi ko alam meron pala akong kopya ng picture na yun.. nakakatuwa talaga tumingin ng pictures.. grabe..
at syempre mawawala ba ang isang tumpok na alikabok.. hehe.. isang sem ko ata hindi ginalaw yun..
Posted @ 21:19 | PermaLink |


