September 05, 2006
normal na sa 'kin ang magpalakad-lakad sa mga kalye ng Cavite lalo la kapag bakasyon.. at dahil kailangan ko rin naman lumabas, naisip kong maglakad-lakad muna bago gawin yung iniuutos sa 'kin.. medyo mainit pero deadma lang.. kalimitan pag ginagawa ko yun nagiikot ako saglit tapos pag pagod na ako, nagpupunta ako sa 7-eleven para mag-big gulp.. oo big gulp hindi pwedeng hindi..hehe at yun ang magsisilbing timer ko dahil uubusin ko yun habang naglalakad, pag ubos na, uwi na.. pero kanina wala akong plano kung san ako pupunta basta lalakad ako.. nagulat na lang ako at malapit na ako doon sa lugar na yun na hindi ko akalaing magiging part ng journey ko.. matagal na akong di nakakapunta doon eh, may taon na yata.. hindi dahil ayoko kundi dahil hindi ako nagkakaroon ng pagkakataon.. hindi ko rin alam kung bat ako napadpad doon pero tinuloy ko.. ilang bes ko na binalak pumunta doon mag-isa pero never ko naituloy.. kalimitan kasi pagnandon na ako natatakot ako for some lame reasons kaya hanggang labas lang ako.. pero kanina pinursue ko talaga.. kesahodang may makakita sa akin doon, ano ngayon? (fyi: may nakakita nga, sinasabi ko na nga ba..so?) nung papasok na ako, naisip ko saglit lang ako doon.. pero hindi.. nagulat din ako kasi antagal ko doon, higit na matagal sa inakala ko.. medyo matagal pa nga yata dapat kaso tinapos ko na kasi may mangyayaring hindi dapat mangyari.. at in fairness, iba ang feeling, parang gusto ko nga gawing tambayan yun eh.. hehe.. seriously, babalik ako doon..
Itchyworms - Beer Lyrics MP3
Posted @ 19:46 | PermaLink |


