June 14, 2005
album reviews
MOJOFLY NOW!
maganda itong album na 'to.. ito ang latest release ng bagong - lumang banda.. alam naman nating matagal na ang mojofly diba.. pero ngayon iba na ang members nila, si lougee on vocals and ali on drums.. si ricci (bassist) na lang ang orig na natitira.. ang mga previous vocalists nila ay sina barbie almabis (sa hungry young poets) and of course kitchie nadal (the previous mojofly).. bagong mojofly, bagong members, bagong tunog.. hindi madi-disappoint ang bibili ng album na ito.. the album has 11 tracks, kasama ang hit single na mata at ang carrier single na sa uulitin.. kung sa mga first time makikinig sa music ng mojofly, siguro hindi agad agad magugustuhan nila ang album.. pero i'm sure after ilang spin nyan sa cd player nyo, hindi pwedeng hindi nyo maaapreciate ang album or at least may magustuhan kayong kanta.. at tsaka madaling pakinggan ang mga kanta, i mean, hindi kasi maingay, tama lang, at ok yung arrangement at ok din yung mga lyrics, in short madaling sabayan.. all in all, maganda nga eh.. matagal tagal pa mag-i-stay sa cd player ko ang album nato..
LIGHT, PEACE, LOVE..
ito naman ang second album ng bamboo.. sino bang hindi nakakakilala sa bandang ito.. sabi nga ng iba, the legend has returned.. at ngayon may sophomore album na sila.. maraming nagsasabing hindi nila trip ang bagong album ng bamboo.. siguro dahil inexpect nilang maingay ang mga kanta.. para bang mr. clay at noypi lang ang alam nilang kanta ng bamboo.. personally, nagugustuhan ko ang bagong album nila.. kahit kilala sila bilang isang rock band, they got away with their new sound, dahil pansin kong gumamit na sila ng ibang instruments sa ilang kanta pati mga back-up vocals na hanep, magaling.. pansin ko din na yung sa first album eh parang ganito rin naman halos yung tunog.. take for example the songs light years and war of hearts and minds.. parang ganon pero syempre mas enhanced yung sa bagong album.. basta ako nagustuhan ko yung album..
----------------------------------------------------------
'yan ay 2 cents worth of opinion ko lang naman..
Posted @ 19:24 | PermaLink |


