May 09, 2006

Eerie Indiana

do you like security guards? ako? sakin okay sila, coz their presence somehow says that i am safe.. kahit yung mga guards sa school, kahit maraming napipikon sa kanila, tolerable naman sila sa tingin ko, ginagawa lang nila ang trabaho nila although minsan sobra rin siguro.. mabait ako sa mga guard, kahit sayawin nila ako hindi ako nakikipagsagutan.. but that was until this afternoon.. walang lace or clip man lang yung zone pass ko.. malay ko bang kailangan non, eh nakikita ko namang walang nagsusuot non sa loob.. but that surly guard called me on my way in.. "o sabit mo yang id mo".. "wala akong clip eh", sabi ko sobrang hinahon ko nyan ha.. "eh di kukunin ko to, wala ka naman palang isasabit eh".. at kinuha nya ang id ko.. binigay ko naman.. walang argue, nilayasan ko sya.. sa loob loob ko, hindi naman major offense eh balikan ko na lang pag labas ko.. at nung paglabas ko bumili muna ako ng clip, yung color yellow, at pinuntahan ko yung guard na nakaduty.. "kukunin ko yung id ko".. "punta ka doon".. tinuro nya yung security office yata yung tawag don.. pag dating ko don, si manong guard ay nakikipagchikahan pa sa radyo.. nung sinabi ko yung pakay ko, andami nyang tinanong, "anong oras kinuha? sinong kumuha? natatandaan mo yung itsura? yun ba?(turo sa isang guard) o yun (turo sa isa pang guard) (syempre hindi ko maaalala kung sino alam ko lang matangkad at maitim eh halos lahat sila matangkad at maitim) anong pangalan mo? punta ka doon.." ang daming sinabi wala naman pala syang maitutulong.. eh di go naman ako dun sa tinuro nya.. ang daming diskusyon bago pa binalik yung pass ko.. siguro may 30 minutes lahat lahat ang proseso.. hassle sila.. gutom na gutom na ko non..



pag may nagtanong ng contact number mo at hindi mo lubos na kakilala, ibibigay mo ba? you would not right?.. i wouldn't too and i didn't.. tinanong nya ko, "anong cellphone number mo?" "uh wala akong cellphone" hindi ko alam kung bakit yan ang naisagot ko, kasi akala ko sasabihin kong ayoko ibigay, siguro sa sobrang ayoko ngang ibigay.. "wala kang cellphone? teenager walang cellphone" (may point sya don) "wala akong hilig sa ganon eh" (ows? talaga Les?heh) "eh pano ka pala nako-contact?" "eh di hindi ako nako-contact" (taray!) sabay talikod.. nanghihinayang ako, sobrang nanghihinayang ako.. bat ba hindi ko binigay? pagkakataon na yun eh.. pagkakataon na magbigay ng maling number.. saya sana non di ba? mag-imbento ako ng number, random number, tapos ibibigay ko sa kanya kunwari cellphone number ko yun.. grabe sayang talaga, mabilis kasi ako mataranta(do).. kainis saya sana non! sayang.. argh.. mga natututunan ko talaga kay Mo no? (who btw had deleted his friendster profile just recently, akala ko dinelete nya ako sa friend's list nya yun pala wala na syang account, wala na tuloy akong source ng update, damn his "sentimental reasons"..) ginawa nya kasi yun eh nung may nagtanong ng number nya syempre di nya binigay ayun nagisip ng number ng kung sino sino and it ended up to be Mighty Mike's if i'm not mistaken.. good times! sayang! may nagoood time rin sana ako..



aliw na aliw akong magblog no? ikaw ba naman masiraan ng bait este ng tv sa bahay.. yup, tv, sira.. pwede mo sya actually magamit sa isang sentence eh.. pero hindi pa naman totally sira, nagffunction pa naman kaso wala kang makikita, maririnig meron.. mistula tuloy kaming nakikinig ng balita sa radyo, yun nga lang sa tv.. sana lang by sunday na-revive na ang buhay ng tv namin, kasi kung bukas parang malabo pa.. primitive tuloy, walang tv.. pero may computer!.. cool.. isa ngang 'up here'!


Posted @ 19:56 | PermaLink |
Comments:
haha! << sol(standard opening line) ko yan sa comments...

pano pag binigay mo maling number tapos sasabihin nya, teka hindi ka makakaalis, tatawagan kita ngayon na at kapag hindi nag ring yang cellphone mo papatayin kita! :|

Nalala ko tuloy yung confession of a TV junkie... isang essay tungkol sa nasiraan ng bait este ng tv.
 
pano pag binigay mo maling number tapos sasabihin nya, teka hindi ka makakaalis, tatawagan kita ngayon na at kapag hindi nag ring yang cellphone mo papatayin kita! :|

sasabihin ko: "ah ayun nagvivibrate na cellphone ko, nakasilent kasi" sabay alis..
 
Post a Comment



<< Home


About Me
Name: Leslie
Location: Philippines

I'm somehow living my life by not knowing.. And until now, I still don't know..

View Complete Profile
View My Multiply





Previous Post

Archive

Links