April 10, 2006

walangya, olabs ng tokwen ko!

dehins lang ako makapaniwala, cheny? pa palang mga taong ganon.. mapayapa naman ang lahat nung mga oras na yun, pero nag-vanish ever ang peace nung babaan time na.. dun kase sa isang grupo ng mga testosterone, 2 sa kanila ang nag-1,2,3 at yung isa eh sa bintana umexit (nakakatawa, sa totoo lang).. mukha namang able sila magbayad, trip nalang malamang yung ginawa nila kase yung few honest eh hindi naman mashadow nagtaka..

"O, ano?"

yung isang mama sa CFK, ang w-w-w-weird.. sakto nung pagdaan ko, chinika nya yung nasa kabilang table.. yun pala hinihingi nya yung half-empty half-full na baso ng gravy.. kamusta naman yon? dah bah?! hindi naman yun parang ketchup na yos-a lang na magbakasyon sa halos lahat ng table.. pero isipin mo, may mali ba kung hihingiin mo nga yon? i mean, sa tingin ko malinis naman yung gravy na yon, pero hindi pa rin eh!.. ewan ko ba, walang mali, pero hindi rin tama (sa tingin ko lang naman, ano ba naman halaga non? 2 cents?)..

"Bagay ba sakin ang kulot??? Bagay ba sakin ang kulot???"

peste yung isang bata sa sinehan kanina.. nakasindi ba naman yung dunkin' donut mini pink lamp shade nya.. hindi nakapaghintay, talagang tinesting nya na.. baka nadidiliman siguro, alam mo na, bata, takot sa dilim.. nakakainis yung mga ganon no? hindi yung takot sa dilim ha.. yung pilit na naglalagay ng liwanag samantalang haller sinehan yon hindi ba dapat nga madilim, magtaka ka kung maliwanag don?.. madami (tulad kanina) yung ganyan (minsan ako din hehehe), nagamit ng cellphone sa loob, yun tuloy lumiliwanag ang buhay ng lahat ng nagbayad para sa kadiliman.. pagnagce-cellphone naman ako eh pero saglit lang at patago para di mashadong kita yung ilaw.. nakakahiya sa ibang people.. pero hindi yun naisip nung batang may lampshade.. habang nabalik ako sa pagkabata, parang naririnig ko yung paalala ng lampshade nya, sabi, "hoy! hindi bagay!"


Posted @ 21:25 | PermaLink |
Comments:
amp! gravy hiningi sa kabilang table? bago yun ha...

at ang mga batang ganyan... tinitiris! hmp!
 
"amp! gravy hiningi sa kabilang table? bago yun ha..."

hindi naman talaga tama di ba?..hehe.. nakakapanibago kasi first time ko na-encounter yun..
 
Post a Comment



<< Home


About Me
Name: Leslie
Location: Philippines

I'm somehow living my life by not knowing.. And until now, I still don't know..

View Complete Profile
View My Multiply





Previous Post

Archive

Links