March 14, 2006
good
whether that was a 'sarcastic' good or a 'good' good, you decide..
She Says, Howie Day
nagsimula sa hindi kagandahang simula.. aga ko pa naman nagising, balak ko talaga umalis ng maaga.. estimated ko ang oras sa pagpapaprint at makakarating ako sa school on time.. ilang ulit ko na ring natalo ang deadline kahit last minute ako nagpprint.. pero hindi ako kinampihan ng swerte kanina.. "15 minutes na lang, pero sakto lang yun", sabi ko sa sarili ko.. kalmado akong naglakad hanggang sa suking computer shop pero nawala yung kalma ko nung makita kong walang vacant unit.. tinext ko agad si [J] at sinabing "uy! musta na?!" este "phnty nmn ung spl ko, mllate ako e.." papunta ako sa isang mukhang mamahaling computer shop habang nagtetext.. nakaupo na ako sa akala kong mag-s-save sa buhay ko nang maalala kong "siyet, wala nga palang Word dito!".. nanlulumo, bumalik ako sa suking comp. shop, salamat naman at may bakante na yun nga lang sarado pa ang CPU, kaya extra hintay na naman.. pero ayos lang, saglit lang naman.. fast forward nang konti.. eh di eto na, piniprint na ang evaluation ko.. pero ano to? parang may horizontal band yung print out.. siyet, naubusan ng ink! ganda ng timing, parang planado!.. at last pagtapos ng ilang minutong hanapan ng ink at paglagay nito, nakalabas din ako at sa wakas papunta na sa school.. dahil sa inis ko sa mga pangyayari nalimutan ko na i-check ang cellphone ko.. nakasakay na ko sa tryke ng maalala ko.. nagreply si [J] at sinabing ipapasa na din pala yung module, na kasalukuyang nasa bahay at di ko dala.. "pwede po balik tayo?..", sabi ko sa tryke driver.. nung nasa bahay na ko, kinuha ko yung module at ibinaba yung e-lab ko.. sa wakas ulit, nakarating din ako sa eskwelahan.. bago pumunta sa dean's office, pinirmahan ko muna yung evaluation ko.. grabe! basa pala yung table at syempre nabasa yung papel ko.. "bakit Les?", sabi ni [G], kitang kita na siguro ang frustration ko sa mga pangyayari.. napatawa na lang ako.. dumiretso na ko sa office para magpasa at matapos na ang lahat ng kamalasan.. pero hindi pa pala.. dahil late na akong dumating, napagsarhan na ako ng office, lunch break na kasi.. sa sobrang frustration ko, sabi ko, "wow ganda sarado pa di ba?".. sinong kausap ko? wala.. mag-isa lang akong pumunta sa office eh.. pero malamang may nakarinig sakin.. kung isa ka don, fyi hindi pa ako baliw.. i was not having a bad day either, sunod sunod na kamalasan lang talaga.. buti naman natapos na don.. swerte ko talaga..
Put Your Records On, Corinne Bailey Rae
Posted @ 21:06 | PermaLink |


