February 22, 2007

pointless

"Like I said, disappearances happen. Pains go phantom. Blood stops running and people, people fade away. There's more I have to say, so much more, but... I disappeared."
- Meredith, Grey's Anatomy

hindi ko pa napapanuod ang episode kung saan nya sinabi yan.. pero nung nabasa ko yan from a site parang may ting! akong narinig at parang nakajackpot ang pakiramdam ko (pero hindi pa ko nakakajackpot kaya pano ko nalaman ang pakiramdam?!?) parang umikot ang paligid ko at tumigil at the same time.. bigla akong nawala sa sarili.. nung nahimasmasan ako, wala pa rin ako sa sarili..

matagal ko nang gusto nang fresh start (oo sa GA ko napulot ang term na to).. fresh start.. panibagong simula.. magsimula ulit.. hindi bumalik sa past.. kundi magsimula ulit sa kung anong meron, o kung anong wala ako ngayon.. fresh start.. akala ko kaya hindi ko magawagawa ang fresh start na to eh dahil hindi ko alam kung pano.. hindi pala..

pero pano nga ba? nabasa o narinig o napanood ko sa isang libro, radyo, o tv show na para daw masolve mo ang isang bagay, hanapin mo daw ang cause at most of the time, nandon din daw ang sagot.. nung grade school ako may nagsabi sakin na kapag inuubo daw ako, kumain daw ako ng ice candy o frostee para mas madaling gumaling.. ganon din daw sa ibang simpleng sakit.. immunization daw ang tawag don, medyo improvised nga lang.. at dahil grade school palang ako noon, anong pake ko kung anong tawag don, basta may kainan ng ice candy tingin ko effective yon.. ganon din sa pagsolve ng mga krimen at kung ano anong legal issues.. kahit may trauma pa ang biktima ay pilit nilang hihingan ng statement para makakuha ng impormasyon.. binabalikan ang crime scene para maghanap ng ebidensya.. in other words, binabalikan ang nangyaring problema para masagot ito.. yung iba nga nirere-enact pa!.. sa paggawa din ng conclusion.. laging sinasabi ng professors, sagot daw sa objective ang dapat laman ng conclusion.. at hindi in-elaborate na experiment procedure!.. ahehe.. so.. i therefore conclude na medyo general din pala ang concept na yon.. pero bakit kahit alam ko naman ang cause eh hindi ko pa rin makuha-kuha ang fresh start na inaasam ko?

matagal nang sabi-sabi na lahat ng sobra ay masama.. sobrang paninigarilyo, lung cancer.. sobrang pagkain ng matatamis, diabetes.. sobrang uhaw, dehydration.. sobrang pagpupuyat, aantukin ka kinabukasan.. sobrang pagtulog, aantukin ka pa rin..hehe pero mas gusto ko ang revised edition ng sabi-sabing yon.. "kasing sama ng sobra ang kulang.." tama naman.. kulang sa vitamins, sakitin.. kulang sa talino, hindi makapasa sa UPCAT.. kulang sa height, mahihirapan mag-dunk.. dapat tama lang.. sakto lang.. ideal yung ganon.. kaya kalimitan mababa ang chance na magkaganon.. pero meron din namang sakto lang talaga.. tulad ng mga artists na parang alam nila na pinanganak sila para umarte, kumanta, tumugtog o sumayaw.. ganon din yata sa ibang endeavors natin.. pag sobrang enthusiastic ka sa gagawin mo, you tend to exaggerate.. pag hindi ka naman masyadong interesado, hindi maganda ang outcome.. dapat tama lang.. kaya siguro kahit alam ko ang cause eh hindi ko pa nakukuha ang fresh start ko.. akala ko kasi yun ang sagot, hindi pala..

siguro subconsciously, hinihintay ko ang state na hindi ko sobrang gusto at hindi rin ayaw ko na.. malamang na-tyempo rin ang pakiramdam ko sa tama lang.. mas mararamdaman ko siguro sa panahong yon.. mas malalaman ko kung time na ba.. kung this is it na! at sa time na yon, sa tingin ko, pag tuluyan ko nang nakuha ang fresh start ko, sigurado akong wala nang balikan..


Posted @ 21:41 | PermaLink |

About Me
Name: Leslie
Location: Philippines

I'm somehow living my life by not knowing.. And until now, I still don't know..

View Complete Profile
View My Multiply





Previous Post

Archive

Links