December 19, 2006
sometimes..
pahinga muna ako sa pagbabble..sa pagsabi ng kung ano ano dito..
kahit eto lang ang outlet ko..
pahinga muna sa overthinking
at sa pagtingin sa malayo..
kahit doon lang ako magaling..
hindi man magandang pakinggan pero
hindi muna ako naniniwala
sa himala, pag-asa at pangarap..
hindi muna ako nanghihinayang
sa mga pwedeng mawala..
hindi muna ako naghahanap
ng mga hindi ko makita..
tatanggapin ko na lang muna
lahat ng kahinaan..
alam ko dadating din ang oras
sa tamang lugar at pagkakataon..
na maniniwala ako ulit..
hindi muna siguro ngayon..
Posted @ 22:51 | PermaLink |


