December 10, 2006
keep the music playing..

Good Samaritan
kahit pa gaanong kasama ang pwedeng gawin ng tao, narealize kong may iilan pa rin talagang mabubuti.. (aw serious?!)hehe de, kase madami akong na-encounter kagabi na nagparealize sakin non.. yung lalakeng katabi ko sa bus, pinaupo nya yung matandang babae.. tapos yung isa sa MRT pinaupo rin ako.. tapos yung guard nagprisinta na magtapon ng plastic cups namin kasi malayo daw yung trash can.. diba, ang bait nila?! natuwa lang ako kase naging komportable akong bumiyahe mag-isa.. hehe yon..
Starbucks Planner
perst taym ko sa Starbucks kagabi.. at hindi naman pala ganong ka-intimidating don, ayos lang, parang ordinaryo lang.. besides, libre na nga eh maiintimidate pa ba ako?hehe halos puro kabataan ang laman ng starbucks.. suspetsa ko mga taga-call center yung mga yun.. kamukha kase nila yung mga kasama ko.. hehe de, seryoso parang iisa ang dating nilang lahat.. parang pagkinausap mo sasabihan ka ng, "yes? how may i be of help to you maam?! thank you for calling.." natatawa rin ako sa mga kasama ko, mission din pala nila sa buhay na magkaroon ng Starbucks planner kaya sila nahumaling sa Starbucks.. napalakas nga yata yung pagkasabi ko: "pati ba naman kayo?" buti walang umupak saken don.. hehe pero parang gusto ko din ng planner.. la lang gusto ko lang..hihi..
Front Act
second time ko na napanuod si Shayne at Robbie.. last time front din sila ng MYMP.. ewan ko ba sa dalawang yon kung san kumukuha ng galeng.. si Shayne parang pwede lumevel kay Nina yun eh.. nakakapagtaka kung bat hindi sya recording artist.. isa pa yun si Robbie.. member sya ng Wiseguys pero may solong buhay sya.. cuteness nya! and the voice ha.. pang-r&b talaga.. mga kinakanta pa nya mga banatang Superstar, Lately, For You.. with matching pa-cute (na bagay) pa yon habang kumakanta.. mapanukso! hehe goodness gracious!
Totoy Nyoy
sabihin na nating i wasn't really looking forward to watching Nyoy.. parang ok magperform sya pero ok lang din kung hindi.. hehe pero gusto ko naman yung mga kanta nya ewan ko kung baket ganon.. pero nung tumugtog at kumanta na sya, ibang usapan na.. hehe galeng din pala nya.. lalo sa mga up beat na songs hindi mo talaga mapipigil mapapagalaw ka sa upuan.. kung medyo mahina pa ang pagpipigil mo, mapapatayo ka talaga at mapapasayaw.. hehe ang sweet sweet pa nya kay Nina..
The Soul Siren
hindi nya ako binigo.. kidding aside, at hindi ako nageexaggerate, pero iba talaga yung pagkakakanta nya ng Someday.. siguro kase don ko lang narinig ng live yon.. i mean, pano kaya nagagawa yung ganon, kuhang kuha yung emosyon nung kanta eh parang yun talaga yung nararamdaman nya.. hay ewan ko ba sayo Nina.. ang dame dame talagang kinanta, parang walang kapaguran, yung energy ganon pa rin kahit sunod sunod yung kanta.. napakabait pa.. naman!
Temptation
5th anniversary ng Bagaberde kagabi kaya mura lang entrance, 200.. san ka? 200 lang may Nina ka na may Nyoy ka pa.. usually kase mga 250 above.. tapos may pa-raffle sila.. ayun nanalo yung isang kasama namin ng 4 na tickets sa gig ng MYMP sa friday.. naman! tuksohin ba kaming pumunta sa friday?! huhu may pasok kaming lahat kinabukasan non.. sayang ang tickets!! hindi ba pwede cash na lang?hehe ayos lang din pala, suplada naman si Juris sa personal eh pasalamat sya magaling sya kumanta ng live.. hehe siraan daw ba ang MYMP? hehe de, magaling sila no..
Up Next
sino nga kayang next? uhmm.. parang gusto ko freestyle, o kahit si Jinky lang, o kaya South Border.. wish ko lang may maayos ayos akong camera (SLR sana kung pwede hehe in my dreams) sa mga panahong yon.. hehe good..
Posted @ 22:14 | PermaLink |
Comments:
<< Home
hehe. masayang tumambay sa starbucks. saka pag nangongolekta ka ng stickers sa starbucks para sa planner, feeling mo may prize ka pagkatapos ng 21 na baso ng kape. ehehehe
join ka narin sa starbucks craze! masaya siya! mas masaya pag nakilala mo yung mga barista ng starbucks. kengkoy sila. :)
join ka narin sa starbucks craze! masaya siya! mas masaya pag nakilala mo yung mga barista ng starbucks. kengkoy sila. :)
hindi naman ganong kaganda ang starbucks planner, cute lang. hehe may ganon kasi si bing. planner planner pa. asa pa na matupad yung plans. hehe.
@yawmee: talagang i-promote daw ang Starbucks? pansin ko adiktus ka sa kape.. hehe
@Rob: at least may plans.. meron nga ba?hehe actually, hindi pa nga ako nakakakita ng Starbucks planner eh.. hehe loser eh no?
Post a Comment
@Rob: at least may plans.. meron nga ba?hehe actually, hindi pa nga ako nakakakita ng Starbucks planner eh.. hehe loser eh no?
<< Home




