June 12, 2006
next level gig..
hinamak ang total na 5 hours na byahe.. balewala ang 4 bus, 1 mrt, 1 taxi, at 2 fx rides.. nasulit ang 800+.. kahit muntik na mahold-up.. o malapitan ng tatlong strangers.. ano ngayon kung mapasayaw si Mau sa stage (pag sinuswerte ka nga naman! :p hehe).. mapapatawad ko na natabunan yung request ko, at least nung sinigaw ko, kinanta ni Juris yung first two lines.. *glad*

thanks kay Jovi, ninenok ko tong pic sa album nya eh.. wala pa kasi yung pics namin..

bow din ako dun sa dalawang front acts.. flipside and shayne.. hanep sa galing.. nakakapagtaka tuloy kung bakit hindi sila sikat samantalang mas magaling sila sa iba.. syempre babanggitin ko yung kasama ni shayne magperform.. hindi ko narinig ng maayos yung name nya.. ang galing din nun, cute pa.. kasali daw sya sa Philippine idol eh, manunuod tuloy ako ng di oras.. *hihi*
na-overwhelm ako sa dami ng magagandang kantang narinig ko sa gabing 'to.. andyan na yung di mo mapigil na mapagroove sa mga upbeat na kanta.. syempre hindi rin mawawala yung mapapa-awww ka sa mga ballad.. katuwa pa may nagtitinda ng roses doon sa loob.. basta.. galing.. gusto ko na bumalik don.. saya talaga pag sumusweldo na ang mga friendly friends.. ano ngayon kung higit 24hours na gising basta makapag-gig.. :p
speaking of sumusweldo na friends, sobrang tuwa ko nung nakasabay ko si Jemay at nalaman kong nagtuturo na pala sya sa HS sa baste.. speechless talaga ako nung kinakausap nya ako.. mukha na naman tuloy akong tanga.. hindi talaga ako nakapagsalita.. sobrang nagulat ako.. pero good gulat ha.. nakaka-proud kasi eh.. mantakin mo may barkada akong teacher!! cmon sinong hindi magiging proud?! (o wag magagalit ang mga nasa office at call center ha!hehe)
Posted @ 21:11 | PermaLink |


