November 09, 2006

kwentuhan lang.. wala namang masama..

i took a day off from school yesterday, sumama kasi ako sa patay (more popularly known as nakipaglibing).. at kahapon ko lang nalaman kung gaano kalamig ang isang malamig na bangkay.. parang galing sa freezer.. sayang nga eh hindi ko nahawakan yung mismong katawan, yung perang pinahawak lang nung kinuha yung naabutan ko, sinaran kasi agad.. wala akong idea kung bat pinapahawakan ng pera ang bangkay, hindi naman na yun pwede gumastos (ako pwedeng pwede!hehe).. pero kung hindi ako nagkakamali, hindi lang pera ang pinapahawak kasi may nakitaan na ako na rosary, meron din picture, meron din titulo ng lupa, (ay mali.. erase erase..) sabi ng tatay ko, swerte daw pag ginasta yun pero hindi ako naniniwala, kasi binalot sa plastic eh hindi naman mukhang gagastusin.. saka hindi sya ang nagtago, ano yun binigay nya sa iba yung swerte? hindi talaga ako naniniwala.. pag nagtatanong ako kung bakit may ganong kaugalian wala akong nakukuhang matino at kapanipaniwalang sagot (hala.. karma?) kaya ngayon tinatanong kita, sige nga come up with a reason kung bakit ginagawa yun, pero gusto ko yung hindi ako maniniwala ha.. hehe


i've never been the type who wears her mind in her sleeve.. kaya natapos na't lahat, hindi ako nakapag-thank you sa mga tumulong sa amin.. quick shout out to our neighbors.. medyo imposibleng makita nila to pero what the heck, thanks for assisting us from day one.. for putting up with the sleepless nights.. for preparing the food (which i was not able to have btw).. sa pagturo sa akin na ipagkatiwala ang pera ko sa alas na oros kasi masipag lumabas yon (totoo masipag nga!hehe).. and for sticking up with the riot..


actually, nadamay lang ang family namin kasi "affair?" namin yun eh.. no big deal, naghampasan lang naman yung dalawang bisita ng bote ng mucho at tumilapon ang haligi ng tahanan kaya ayun parang mga apoy na nagsipagliyab ang angkan ko.. suntukan blues sila at in fairness kabado ako ng mga oras na yun.. mas lalo akong kinabahan nung nagsisisigaw ng mura yung nasnip kong manilenyo, galit na galit eh.. kinabahan talaga ako, english kasi yung mura nya e, duguin pa naman ang ilong nun.. pakyu daw.. pucha ang sosyal! pero ayos naman na.. nakakainis lang din kasi hindi na nila ginalang yung namatay at namatayan.. pero higit sa lahat nainis talaga ako kasi naman hindi na nila naisip na sayang ang beer! natapon lang dahil sa pagaaway nila eh! pucha naman talaga oh, napaka-unfair!.. hehehe..


Posted @ 19:15 | PermaLink |
Comments:
yung perang yun.. wala lang yun.. inimbento lang para makapagbuild kuno ng something na pampaswerte. lam mo naman ang mga syonip, mukhang pera yan.. hehe!

yun yun eh! alas na oros! saka sa bastos! hehe! balatingting naman dyan.. [balato!]

sayang nga ang beer! hanep naman kung yun ba naman eh ginamit na lang para mapunuan ang mga pagkukulang ng virtual inuman eh di sana englishan na! hehe!
 
sino ba ang namatay?
--
yung pianpahawak na yon, sabi "pamasahe" daw yun ng kaluluwa para makapunta sa heaven.

nag mahal na rin yata ang pamasahe papuntang hevan kaya one hundred ang pinapahawak.

tapos kapag daw yun kinuha mo. swerte daw kasi may pamasahe ka na papuntang sm. lol

--

maaksyon pala jan.
 
@April: may saklaan na naman sa labas namin, pag yumaman ako sa pagsasakla babalatuan kita..hehe bukas may inuman na naman dito matotorture lang ako sa inggit eh hehe joke hayok eh..

@Rob: yung kasama namin dito sa bahay yung namatay, yung pinsan ni Mario na matanda dito remember? yup maaksyon talaga dito pero ngayon lang nasangkot ang Franciscos mababait kasi kami.. hehe
 
Post a Comment



<< Home


About Me
Name: Leslie
Location: Philippines

I'm somehow living my life by not knowing.. And until now, I still don't know..

View Complete Profile
View My Multiply





Previous Post

Archive

Links