October 22, 2006

hindi ako pikon, akala mo lang..

katatapos ko lang magsagot ng isang email forwarded na game.. there were a bunch of tagalog words then you translate them given the first letter of the english translation as a hint.. 50% ang nakuha ko, at hindi pa raw ako lubos na Pilipino.. may 200 words or so doon sa game, mula alpombra hanggang yeso, at sa totoo lang, challenging ang game na to kasi narealize kong meron este marami pala akong hindi alam na words.. nagtataka lang ako, sa dami ng words na na-encounter ko doon, bakit wala yung word na 'pikon'? ikaw, alam mo ba ang english sa pikon? kung oo, kumuha ka ng illustration board tapos ipukpok mo sa ulo mo.. la lang para lang masaya..

hindi ko alam kung halata, pero may pagkapikunin rin talaga ako.. pero hindi ibig sabihin na madali akong magalit.. uhmm pikon ako sa mga maliliit na bagay.. pag inuutusan ako, at paulit ulit, lalo akong hindi sumusunod.. pikon ako sa katamtamang bagay.. pag may ginagawa ako sa pc na sobrang kailangan ko at nagka-cram na ako tapos naghang ang pc o nawalan ng kuryente halos napapamura ako sa inis, lalo kung tantyado ko ang oras ko.. pikon ako sa malalaking bagay.. hindi na ako magbibigay ng example baka masapok ko lang ang sarili ko..

01-02.. fourth year high school ako noong mga panahong yon.. ang magaling kong teacher sa Values Education (wala na yatang subject na ganto ngayon, kawawa naman sila) ay merong pakulong activity.. maliban sa araw araw na pagpapakanta nya sa buong klase (energizer ang tawag don, gusto ko yun kasi pwede kaming kumanta ng mga peyborit songs namin noon tulad ng This I Promise You) nakaisip sya ng isang napaka-ingenious na idea para mabago ang mga negative attitudes namin at masabi na rin sa isa't isa ang gustong sabihin kung meron man (parang comments lang..ehehe).. at ayun na nga, nagulat na lang ako na nagiikot na ako sa room 25 na may intermediate sheet na nakascotch tape sa likod ko.. the directions were easy.. pumunta sa likod ng kaklase at isulat sa papel sa likod nya ang positibo at negatibong ugali nya para sayo.. naka-column yun kaya madali lang magsulat.. base sa isinulat ng kaklase, pwede ka ng magisip-isip kung may mga kaibigan ka pa bang babalikan tapos ng activity na yun.. joke!.. curious ka kung anong nakalagay sa papel ko? negatibo: moody, masakit magsalita, hindi ngumingiti, moody, dirediretso magsalita parang di nagiisip, moody, masakit magsalita minsan (nakuha pang magpalubag loob), lakas mambara, moody.. siguro may mga limang tao ang nagsabing moody ako, tatlo doon red ballpen pa ang ginamit, hindi ko alam kung sadya.. pero hindi naman ganong kasama ang tingin nila sakin.. may laman naman ang positive side ng papel ko tulad ng caring, thoughtful, at generous.. pfft!.. haha.. anong kinalaman ng kwentong to sa pagkapikon ko?! wala..

fourth year high school pa rin, mga bandang gantong time of the month.. malapit na rin ang halloween nun eh.. nasa main building kami ng eskwelahan naming may napakagandang reputasyon at nagtatakutan, madilim na kasi.. sabi nung classmate kong nakakakita at nakakaramdam daw ng kung ano-anong entity, may something daw sa room namin.. syempre tapang-tapangan kami, martsa sa room.. pag dating namin doon, nagtakutan na, at dahil sarado ang pinto kung ano-anong landian/katatakutan ang ginawa namin.. nangunguna ako sa pananakot.. pero ang walang hiya kong classmate, inunahan ako.. ako tuloy ang nabiktima.. ako ang tinakot.. natakot naman ako.. hehe.. at dahil hindi ako sanay sa ganon, sa ako ang sentro ng atensyon, at dahil ayoko ng ganon, na ako ang sentro ng atensyon, nabwiset ako.. hindi ko na matandaan kung anong sinabi ko para sabihan ako ng classmate ko ng, "magaling ka lang pag ikaw ang tumatawa eh pag ikaw na ang pinagtatawanan wala ka na.. pikon ka kasi eh.." hindi yun direct quote pero malapit lapit yun sa sinabi nya.. teka naalala ko na yung sinabi ko, "gago ka ah! square na lang sa labas o!" de, syempre joke yun.. napatahimik lang ako non, naisip ko kasi may point sya..

sabi ni Newton, "for every action, there's an equal and opposite reaction".. sabi ko naman, "fyi idts, omg btw brb wtf!" translation, "malamang may malaking kinalaman ang pagkapikunin ko sa iba ko pang attitude".. may nagsabi na rin kasi sakin, di ko matandaan kung si Pong Pagong o si Kiko Matsing (aw miss ko na sila), at kung totoo o guni-guni ko lang, na maaaring kaya daw ako malakas mambara at mabilis ang utak ko sa kapilosopohan eh dahil pikon ako.. ayaw ko raw ng nababara kaya nambabara ako.. ayaw ko raw sumagot ng diretso kaya namimilosopo ako.. mabilis daw ako makaisip ng lusot dahil ayaw ko raw magpatalo.. masyado raw akong masikreto kaya dinadaan ko sa joke at pagbago ng usapan.. at masyado raw akong maraming oras na pwedeng sayangin kaya ako nagttype ng gantong kahaba eh wala namang point.. sabi ko naman, "atras ka ng 100 times, abante ako!"


--------------------------------------------------------------------
magpopost ba naman ako ng walang kaagapay na MP3? syempre hindi, heto na sila!

Stacie Orrico - More To Life MP3 Lyrics
Nelly Furtado - I'm Like A Bird MP3 Lyrics
Corinne Bailey Rae - Put Your Records On Mp3 Lyrics
Matchbox 20 - If You're Gone MP3 Lyrics
Vertical Horizon - Best I Ever Had MP3 Lyrics


Posted @ 20:53 | PermaLink |
Comments:
ang haba. pero an saya basahin... ngayon ko lang nalaman na pikon ka pala. PIKON!!!!!!! PIKON KA LESLIE!!!!

haha. joke!
 
hehehe hindi ako pikon.. hindi ako pikon.. hehehe
 
sabi kasi, ang momories ng highschoola ng pinaka masarap alalahanin.

kaya siguro ganyang kahaba yung natype mo...

hendyoy dava?!
 
i'm not sure about that.. ang alam ko ganado lang talaga ako magtype nung araw na yun.. hehe
 
Post a Comment



<< Home


About Me
Name: Leslie
Location: Philippines

I'm somehow living my life by not knowing.. And until now, I still don't know..

View Complete Profile
View My Multiply





Previous Post

Archive

Links